Showing posts with label Acads. Show all posts
Showing posts with label Acads. Show all posts

Wednesday, March 17, 2010

Sariling bersyon ng "Indolence of the Filipino": Tamad nga ba si Juan?

Tamad nga ba si Juan?

Ito ang isa sa mga katanungan ang uukilkil sa isipan ng sinuman kung susuriing mabuti ang ibig sabihin ng pagiging tamad. Ano nga ba ang ibig sabihin ng katamaran? Ito ba ay simpleng kabaligtaran lamang ng kasipagan? Ano ang kasipagan kung ganoon? Ang kasipagan ba ay nasusukat sa pamamagitan ng dami ng nagawang trabaho? O ito ba ay nabibigyang kahulugan sa pamamagitan ng kalidad at kahalagahan ng nagawang trabaho? O ito ba ay ang pagmamahal at pagpapahalaga dito na ipinapakita sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng maigi at masigasig? Kung ang huling depinisyon ang pagtutuunan ng pansin, maaari bang masabi na ang katamaran ay nangangahulugang walang pagmamahal sa trabaho at hindi pagtatrabaho ng maigi? Masusukat nga ba ang kahulugan ng kasipagan o katamaran sa dami o kawalan ng ginawang trabaho? O mas higit pa dito ang kahulugan katamaran? Sapat na ba ang ganitong klase ng pag-iintindi sa daynamiko ng semantiks ng katamaran?

Sino nga ba ang taong masasabing tamad? Ito ba ang mga taong nagsaka mula madaling araw hanggang ika-sampu ng umaga at nagpahinga na lamang pagkatapos? O ito ba ang mga taong nakaupo sa de-aircon na opisina ng gobyerno habang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng malamig na mineral na tubig? Ang katamaran ba ang siyang pangunahing dahilan kung bakit hindi umuunlad ang Pilipinas?

Marami ang nagsasabi na tamad ang mga Pilipino, na ang mga Pilipino ay hindi marunong magmahal sa kanilang trabaho, lagi na lamang nagpapahinga at nakatunganga, at mahilig magsayang ng oras sa paggawa ng wala. Sinasabing tamad ang Pilipino dahil madalas sa hindi na nakikita sila sa nakatambay sa labas ng kanilang bahay, o kung hindi naman ay nakikipagtsismisan sa kanilang kapitbahay ng umagang-umaga. Ang ganitong senaryo ay karaniwang nakikita sa mga mahihirap na lugar sa kabihasnan at mangilan-ngilang lugar sa probinsya. Sinasabing tamad ang Pilipino dahil konting trabaho lang ay magpapahinga na agad sila. At madalas sa hindi, ang katamaran na ito ay sinasabing dahilan ng kahirapan ng bawat Pilipino. Ito ay madalas na ginagawang sangkalan upang bigyang rason kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa. Ito ay kadalasang ginagamit upang paliwanagan ang mga kapalpakang nangyayari sa Pilipinas (halimbawa ang madalas sabihin ng mga tao: Kaya naghihirap ang mga Pilipino dahil ang tatamad eh).

Ngunit kung titingnan ng mabuti, hindi masasabing tamad ang mga Pilipino sa tunay na kahulugan ng pagiging tamad. Ito ay sa kadahilanang ang mga Pilipino ay masisigasig sa kanilang trabaho, isang bagay na makikita sa kultura ng mga katutubo natin. Ang ganitong katangian ng mga Pinoy ay kilala maging sa ibang bansa dahil sa mga OFWs. Isa pang dahilan ay tinitingnan kasing katamaran ang pagpapahinga. Ang mga magsasakang nagpapahinga tuwing ika-sampo ng umaga hanggang sa makalipas ang init ng araw ay sinasabing tamad, ngunit ang hindi nakikita dito ay ang katunayan na ang mga magsasakang ito ay nagsimulang magsaka ng madaling araw pa lamang. Ang balik-bayang OFW ay hindi masasabing tamad kung siya man ay magbuhay-donya panandalian. Katamaran na bang matatawag ang pagpapahinga matapos ang isang mabigat na trabaho? Gaya nga ng sabi ni Rizal, hindi naman ang pagtatrabaho at pagkita lamang ang silbi ng isang tao., kundi ang paghahanap ng kanyang kasiyahan.

Hindi ang katamaran ang siyang nagbubunga ng kahirapan ng bansa, bagkus ito ay ang kabilagtaran. Ang sinasabing katamaran ng Pilipino ay dulot ng mga salik ng lipunan tulad ng kasaysayan at kultura, nanatiling ideolohiya sa lugar, ekonomikong kalagayan, at pulitikal na aspeto. Ito ay bunga lamang ng isang mahabang panahon ng kolonisasyon ng mga Espanyol, ng kahirapan ng bansa, at ng isang hindi magandang sistema ng pamamahala ng gobyerno sa kasalukuyan.

Alam naman nating lahat na ang katangiang “mamaya na” ay hindi sariling atin, dahil ito ay tumataliwas sa kultura at paniniwala ng sinaunang katutubo ng bansa. Ang ganitong katangian kasama pa ng siesta at pagpunta ng huli sa mga kasiyahan ay ilan lamang sa mga kaugalian ng kastila na siyang nakuha ng ibang Pilipino sa atin bilang manipestasyon ng tinatawag na passive racism. Ang mga ito ay nakaapekto sa kaugalian ng Pilipino ukol sa trabaho at iba pang aspeto ng buhay.

Walang tambay sa kanto kung sila ay mga nabigyan ng oportunidad na magtrabaho at makapag-aral. Hindi sila magiging “tamad” kung ang sila ay nagkaroon ng liberasyon sa pamamagitan ng edukasyon at gabay ng pamahalaan. Kung sila ay nabigyan ng oportunidad na magkaroon ng trabaho, hindi sila magiging tambay. Subalit ang isang pang tanong dito na hindi mabigyan ng tamang kasagutan ay: Sino ang gaganahang magsumikap sa ilalim ng isang dispahiladong sistema kung saan ang kurapsyon at pagnanakaw ay talamak (katulad na lamang din noong panahon ng kastila)? Hindi ko naisin na maging aktibista, isa lamang ito sa mga katanungan na pumasok sa aking isipan.

Maaaring may tama at mali sa bawat sistema, may maganda at pangit sa mga ideolohiyang mayroon ang isang sistema, subalit kung patuloy na hindi itatama ang mali at hindi gagamutin ang pangit, magpapatuloy ang sinasabing “katamaran” ng Pilipino. Bagaman madaming salik ang sanhi ng katamaran, at bagaman tila hindi kasalanan ng Pilipino kung bakit siya naging tamad, marapat lamang na malaman ng bawat isa na tayo ay mga taong pinagkalooban ng kakayahang mag-isip ng kritikal. Ang kakayahan na mag-isip ay gamitin sana upang malunasan ang sakit na tinatawag na katamaran.

Sunday, January 3, 2010

A Letter Addressed to my Beloved Thesis

Dear Thesis,

Thinking about you is killing me. It brings me to the unfathomable depths of depression and desolation. I don't know. You make me feel so worthless. It is as if I can't do anything right. Every try seems like a failure. I am tired and lost.

With you, it feels like my whole world is crunched in a tiny matchbox. It is hard to breathe. I feel suffocated with our relationship. You just make me feel tired and sad and depressed. Can we just put an end to this madness? Please. Because I can't take it any longer.

Love,

Angel

PS:

Please bear with me. You know how much I love you, but it gets tiring sometimes. So I guess, we should just enjoy the time while it lasts, 'kay? When we part, think of it as a new beginning for you. Don't be so sad.

Buhay Estudyante

"Breathe in. Breathe out. Relax. Everything will be okay. You can do it."

Mantra for the rest of January and February 2010. Kinakabahan na ako.

Shit. Alam mo yung feeling na parang guguho na ang mundo mo sa dami nang dapat mong gawin? Yung feeling na mabilis ang pintig ng puso mo, parang masusuka ka na, at nahihilo at biglang nadedepress at nagpapanic. Yung wala kang magawa kundi mag-isip lang nang mag-isip. Yung pakiramdam mo na sasabog na ang utak mo sa kakaisip ng mga bagay bagay at deadlines, tapos hindi mo naman magawa kasi isip ka lang nang isip. Inaatake ka na ng panic, isip ka pa din ng isip. Gusto mang gawin, mapapatigil ka na lang kasi hindi mo alam kung paano mo uumpisahan. Tapos maiisip mo na mahaba pa ang oras. Pipilitin mong kumbinsihin ang sarili mo na mahaba pa ang panahon at kaya mong gawin gawin ang mga dapat mong gawin sa loob ng isang linggo. Tapos hindi mo na gagawin ang mga bagay na dapat mong gawin kasi iniisip mo na mahaba pa ang panahon. Magbubulag bulagan ka sa katotohanan ng buhay. Then, sasaya ka panandalian.

Matutulog ka na muna, magbabasa ng kung anu-ano, magsusulat ng blog entries, maglalagi sa internet. At bigla mong maaalala na madami kang dapat gawin na hindi mo ginawa. At kapag napagtanto mo ito, kulang na ang oras. Magppanic ka ng ilang segundo o minuto, magrarant sa mga kapalpakang ginawa mo sa buhay. Magbblog ka, sasabihin mo kung gaano kadami ang dapat mong gawin at kung gaano kaliit o kaunti ang oras na nakalaan para matapos mo ang mga bagay na iyon.

Isusumpa mo ang mundo. Magagalit ka sa professors, sa mundo, at sa edukasyon. Sasabihin mong sinisira ng mga ito ang buhay mo, na pinahihirapan ka ng mundo at ng profs mo, na mahirap ang mag-aral. Ipagkakalandakan mo sa virtual world ang mga bagay na kailangan mong gawin para makita nila kung gaano ito kadami at gaano kahirap. Gagawin mo ang mga dapat mong gawin, hindi ka magtutulog. Magka-cram ka. Aakalain ng magulang mo na isa kang mabuting estudyante dahil napupuyat ka sa paggawa ng papers, projects, documentaries, at thesis. Isa kang mabuting estudyante sa mata ng magulang mo. Kulang ka sa tulog, tapos ka na sa mga dapat gawin. May eyebags ka sa eyebags mo at pimples sa pimples mo. At sisisihin mo ang eskwelahan kung bakit ka napupuyat at kulang sa tulog.

Pero ang mapagtatanto mo sa huli, matapos ang lahat ng ginawa mo at lahat ng pinagdaanan mong hirap, ikaw ang nagkamali. Ikaw ang may dahilan kung bakit ka napuyat o nawalan ng tulog. Ikaw at ang mga mali mong desisyon ang may sanhi ng pagkapagod mo. Maiisip mo na hindi ang eskwelahan o ang edukasyon o ang propesor ang may dahilan kung bakit ka naghihirap dahil ang totoo, ikaw ang gumagawa ng dahilan para mahirapan ka. Maiisip mo na dapat hindi mo sinisi ang sinuman o anuman sa kapalpakan mo sa buhay. Walang kang dapat sisihin kung bakit may eyebags ka sa eyebags mo, o kung bakit may pimples ka sa pimples mo kundi ang sarili mo.

Ginusto mo iyan. Dapat kang matuto sa mga pagkakamali mo. Alam mo na dapat iyon. Pero sa susunod na pagkakataon, alam mong hindi mo pa din maiiwasang ipagpaliban ang mga dapat mong gawin dahil mas masaya kang gumawa ng wala at maging masaya kahit panandalian lang. Alam mo na ang kalalabasan ng mga gagawin mo, pero wala mas pipiliin mo pa ding magpanic at magcram. And the cycle continues.

Sunday, December 27, 2009

Reality Bites.

Holiday's over for me. I need to get in touch with reality starting tomorrow NOW.
No more listening to psychedelic songs in the wee hours of the day. I need to sleep early, so my day would start early. I need to accomplish so many things at once that it is not enough to have 24 hours in a day.
No more Beatles song for me in the morning when I wake up. (Beatles makes me sleepy and gooey all day long, hence unproductive day.) I need to attend to my readings that are screaming to me right now. I should read them, or else my life will be over or worse my life in the university will be prolonged (which I do not want to happen). I have to read and understand ALL the fucking reading materials that I intentionally forgot about.
No more bumming around the internet for me. I need to do my thesis. I HAVE TO DO MY THESIS.
No more blogging (for a while).
No more downloading/watching old movies.
No more out-of-plans going out with friends.
No more reading books that I want to read.
No more life for me ahead.
Reality bites.

Popular posts

Daily What