Wednesday, March 24, 2010

Isang Pag-amin

  1. Emosyonal akong tao. Madali akong madala ng emosyon. Hindi pa kasi ako disiplinado sa ganitong aspeto ng pagkatao ko. Kaya may tendency ako na maging detached at objective sa lahat ng pagkakataon. REASON OVER EMOTION lagi ang unang isinasaksak ko sa utak ko kapag nararamdaman kong nao-overpower na ako ng emosyon ko.
  2. Hindi ko pinapansin o kinakausap ang crush ko o ang tanong nagugustuhan ko. Wala din akong eye contact, at hindi ako makatingin kahit sa direksyon niya.
  3. Ma-effort akong tao. Hindi lang halata. Kapag mahal (platonic o romantic love) ko ang isang tao, gumagawa ako ng (mga maliliit na) paraan para mairamdam kong importante sila. Hindi conventional ang style ko sa ganito. Hindi ako yung tipo ng tao na magsu-surprise o magbibigay ng gifts o ng sulat sa mga "inaasahang pagkakataon" (i.e. birthday, anniversary, valentines day). Kadalasan sa mga normal na araw ko ginagawa ang mga "paglabag" ko sa sarili kong paniniwala. Pag mahal kita, mahal kita. Di ko na yun kailangang sabihin. SHOW, DON'T TELL.
  4. Long term ako mag-isip. Hindi lang din halata.
  5. Madalas kong pangunahan ang pagkakataon. Kailangan lagi akong may back-up plan. Kailangan laging may fall back in case ng pagpalya. Laging may damage control. Laging may list of possibilities. Laging may pros and cons.
  6. Romantic and Idealistic ako. Ayaw ko lang ipakita.
  7. Minsan gusto ko din yung inaalagaan ako, pero huwag naman sanang pakitang tao lang.
  8. Mataas ang expectations ko sa mga taong nakapaligid sa akin at sa sarili ko.
  9. Judgmental ako. Aminado ako dito, kaya ang tendency ko ay maging super objective sa mga bagay-bagay at maglay out ng - and + sides.
  10. Jerk ako.

No comments:

Post a Comment

Popular posts

Daily What