Ito ang pinakaayaw kong moments sa lahat: makakita ng magkasintahang naglalambingan. Pinananayuan ako ng balahibo sa batok. Kinikilabutan ako. Nakakainis. Alam mo yung feeling na shit, ang corny corny. Madaming ganyan sa school, sa jeep, sa fx, sa bus, sa LRT, sa kalsada. Madami sila, at nakakapanayo balahibo talaga. Ako lang ba ang nakakaramdam ng ganung feeling o may kasama ako? Ang awkward kasi pag cheesy tapos magtatawanan. Makikita mo sa mga titigan nila na may kasamang pagpapacute ang kanilang kakesohan. Ugh. Hindi ko talaga natatagalan ang mga ganyang pangitain.
Siguro napaka-judgmental ko ngang tao. Or siguro bitter lang ako. Or sadyang wala lang akong konsepto ng pagiging cheesy sa katawan. Or siguro in denial akong cheesy din ako, pero kasi naman... Basta. Awkward talaga. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang reaksyon ko sa mga ganun kadalasan. Matanda na siguro talaga ako, oldie na ako mag-isip. Pero kasi... Ewan.
------
Never kong nagustuhan ang reporting sa class. Hindi ko alam kung bakit, pero kapag reporting ang ginagawa sa klase automatic na hindi nagpa-function ang utak ko. Automatic shutdown. Tenga ko hindi gumagana, selective hearing lang. Attention span ko, wala na talaga.
------
Ang hormonal ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na nakikilala ang sarili ko. Ang gulo lagi ng utak ko, at lagi akong sabaw. Lagi akong lutang, hindi ko alam kung dulot ba ito ng stress o sadyang hormonal lang ako at trip lang ng katawang pambabae ko ang maging moody nitong mga nagdaang araw. Unti-unti nang nagma-manifest ang pambabaeng hormones ko at tine-take over na nila ang aking katinuan. Patay ako.
------
Wala na akong maisip na isulat dito. This is not even a decent blog, but fine whatever. Trip ko lang magrant ngayon dahil nga hormonal ako. Ktnxbye.
No comments:
Post a Comment