Old habits die hard.
Apat na taon lang ang lumipas pero pakiramdam ko sampung taon na ang nakaraan. Pakiramdam ko sampung taon ang itinanda ko, imbis na tatlo lang. Mula sa pagiging 16 taong gulang, nakita ko na lang ang aking sarili na 20 anyos na. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Parang dumaan lang sa harap ko. Hindi man lang nagpasabi. Hindi man lang naramdaman. Hindi ko man lang namalayan.
Madami na ang nangyari. Mula sa pagiging awkward freshie na obsessed sa long time crush, naging apathetic sophomore ako na naging isang politically aware junior student. At ang kinalabasan sa huli? Isang disillusioned graduating student. Madaming bagay ang nangyari. Madami ang paniniwalang nabuo at nasira sa loob ng apat na taon na iyon. Bagaman may mga bagay na nananatiling ganun pa din, mas madami ang nagbago. Lalo na sa akin.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na nagbabago ako bilang isang indibidwal o hindi. Dahil kasabay ng bawat pagbabago ko ay ang isang realization na hindi ko na muling maibabalik ang anumang nawala ko na. Pilitin ko mang ibalik sa dati ang wala, hindi na siya magiging tulad ng dati talaga. Wala nang pag-asa. Parang ang pagbabagong nangyayari sa akin. Madami sa mga pinaniniwalaan ko ang nasira. Ilan sa mga iyon ay ang mga paniniwalang bumubuo sa pagkatao ko. Madami sa pinaniniwalaan ko ang nabago. May magandang epekto? Oo. Pero syempre may pangit din. Hindi naman pwedeng laging maganda ang epekto ng pagbabago.
Ang vague at ambiguous ng mga nakasulat dito, pero minsan hindi kailangang tahasang sabihin ang nais ipahiwatig para maintindihan ang saloobin *Patay ako sa Philo 1 Prof ko nito. Hello Language Game?*
WHATEVER.
-----
Bente na ako. Shet. Bente na. Hindi na ako teenager. Wala na akong rason maging iresponsable at immature. Bente na ako. Line of 2 na ang edad ko. At ilang linggo na lang kasali na ako sa labor force ng bansa. O mas posibleng kasama na ako sa statistics ng unemployed fresh graduates ng bansa. Alin lang sa dalawa ang kakalabasan ko. At alam ko, hindi pa ako handa. Pero wala akong choice. Ito na yun. Ginusto kong magtapos on time. Ginusto kong umalis sa status ng pagiging Undergrad Student. Ginusto ko to, kaya wala akong karapatang magreklamo sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Bahala na!
No comments:
Post a Comment