Dahil sa isang napakagandang kasaysayan ng aking buhay pag-ibig, may mga bagay akong natutunan at nagawa na nagdulot ng sakit sa ibang tao. May mga nasaktan din akong tao, alam ko. Kahit hindi nila sabihin, alam ko naman ang pagkakamali ko. Nagsisisi ako, humihingi ng paumanhin, pero hindi ako nangangakong hindi na mauulit ang mga nagawa kong pagkakamali. Hindi excuse ang "Tao lang ako, nagkakamali din" dahil alam kong kaya ko namang mag-isip at magdesisyon para sa ikabubuti ng lahat. Pero ang mga tao ay may tendency na maging makasarili. Isa na ako dun. Makasarili ako, alam ko yun. Sorry.
Malamang karma ko na ang mga nangyari sa akin sa mga nakaraang taon. Kaya naman dahil malapit na ang graduation ko, at gusto ko nang magsimula ng panibagong buhay sa labas ng paaralan, nais ko lang isa-isahin ang mga taong nasaktan ko nang hindi sinasadya (para naman swertehin na ako sa buhay pag-ibig ko sa corporate world lol).
Person A. Childhood sweetheart/friend. Sayo nagmula ang lahat ng kamalasan ko. Charing! Sorry. Madami ang nangyari sa mga nakaraang taon, nagkailangan tayo. Hindi ko sinasadya. Nagbago ako, ikaw din. Gusto ko lang magsorry sa ginawa kong kagaguhan nung bata tayo. "Tatlong araw" lang pala. Bata pa kasi tayo nun. Sana maging magkaibigan ulit tayo. :)
Person B. Batman. ISANG MALAKING SORRY TALAGA. Ako na ang gago, ako na ang paasa, ako na ang hindi kontento. Pero kasi madaming bagay na hindi ko dapat ipaubaya sa tadhana. Bata ka pa, madami ka pang kailangang matutunan. Parang ako. :) Napakabilis ng mga pangyayari noon, masyado akong naging padalos dalos sa mga naging desisyon ko sa buhay. May mga nasabi akong bagay na hindi ko na dapat sinabi. Sorry. Di bale, mabilis naman ang karma sa akin eh. Sorry. But to give credit naman sa aking sarili (haha! nagbuhat ng bangko), sobrang effort ko sayo. Sana lang naman naramdaman mo iyon. Ipagpaumanhin mo ang pagte-take advantage ko sa iyo. LOL
Person C. Rebound Boy. Ikaw ang tanging taong ginawa kong rebound, lagi ka kasing andyan. Sorry.
Person D. Parekoy. May bagay talagang hindi pwede. I think, alam mo yan. May mga bagay din kasing hindi kayang suklian. Look at you now, masaya ka na. Naka-move on ka, good for you di ba? Sorry kasi hindi ako nagparamdam ng mahabang panahon. Masyado akong naging pre-occupied ng sarili kong kalungkutan kaya hindi ako nagparamdam kahit kanino. Pasensya na sa iyo.
Person E. Shet. KULANG ANG SORRY LANG. :( Pupuntahan na lang kita sa Makati. Let's do some rebonding.
No comments:
Post a Comment