Sunday, January 3, 2010

Buhay Estudyante

"Breathe in. Breathe out. Relax. Everything will be okay. You can do it."

Mantra for the rest of January and February 2010. Kinakabahan na ako.

Shit. Alam mo yung feeling na parang guguho na ang mundo mo sa dami nang dapat mong gawin? Yung feeling na mabilis ang pintig ng puso mo, parang masusuka ka na, at nahihilo at biglang nadedepress at nagpapanic. Yung wala kang magawa kundi mag-isip lang nang mag-isip. Yung pakiramdam mo na sasabog na ang utak mo sa kakaisip ng mga bagay bagay at deadlines, tapos hindi mo naman magawa kasi isip ka lang nang isip. Inaatake ka na ng panic, isip ka pa din ng isip. Gusto mang gawin, mapapatigil ka na lang kasi hindi mo alam kung paano mo uumpisahan. Tapos maiisip mo na mahaba pa ang oras. Pipilitin mong kumbinsihin ang sarili mo na mahaba pa ang panahon at kaya mong gawin gawin ang mga dapat mong gawin sa loob ng isang linggo. Tapos hindi mo na gagawin ang mga bagay na dapat mong gawin kasi iniisip mo na mahaba pa ang panahon. Magbubulag bulagan ka sa katotohanan ng buhay. Then, sasaya ka panandalian.

Matutulog ka na muna, magbabasa ng kung anu-ano, magsusulat ng blog entries, maglalagi sa internet. At bigla mong maaalala na madami kang dapat gawin na hindi mo ginawa. At kapag napagtanto mo ito, kulang na ang oras. Magppanic ka ng ilang segundo o minuto, magrarant sa mga kapalpakang ginawa mo sa buhay. Magbblog ka, sasabihin mo kung gaano kadami ang dapat mong gawin at kung gaano kaliit o kaunti ang oras na nakalaan para matapos mo ang mga bagay na iyon.

Isusumpa mo ang mundo. Magagalit ka sa professors, sa mundo, at sa edukasyon. Sasabihin mong sinisira ng mga ito ang buhay mo, na pinahihirapan ka ng mundo at ng profs mo, na mahirap ang mag-aral. Ipagkakalandakan mo sa virtual world ang mga bagay na kailangan mong gawin para makita nila kung gaano ito kadami at gaano kahirap. Gagawin mo ang mga dapat mong gawin, hindi ka magtutulog. Magka-cram ka. Aakalain ng magulang mo na isa kang mabuting estudyante dahil napupuyat ka sa paggawa ng papers, projects, documentaries, at thesis. Isa kang mabuting estudyante sa mata ng magulang mo. Kulang ka sa tulog, tapos ka na sa mga dapat gawin. May eyebags ka sa eyebags mo at pimples sa pimples mo. At sisisihin mo ang eskwelahan kung bakit ka napupuyat at kulang sa tulog.

Pero ang mapagtatanto mo sa huli, matapos ang lahat ng ginawa mo at lahat ng pinagdaanan mong hirap, ikaw ang nagkamali. Ikaw ang may dahilan kung bakit ka napuyat o nawalan ng tulog. Ikaw at ang mga mali mong desisyon ang may sanhi ng pagkapagod mo. Maiisip mo na hindi ang eskwelahan o ang edukasyon o ang propesor ang may dahilan kung bakit ka naghihirap dahil ang totoo, ikaw ang gumagawa ng dahilan para mahirapan ka. Maiisip mo na dapat hindi mo sinisi ang sinuman o anuman sa kapalpakan mo sa buhay. Walang kang dapat sisihin kung bakit may eyebags ka sa eyebags mo, o kung bakit may pimples ka sa pimples mo kundi ang sarili mo.

Ginusto mo iyan. Dapat kang matuto sa mga pagkakamali mo. Alam mo na dapat iyon. Pero sa susunod na pagkakataon, alam mong hindi mo pa din maiiwasang ipagpaliban ang mga dapat mong gawin dahil mas masaya kang gumawa ng wala at maging masaya kahit panandalian lang. Alam mo na ang kalalabasan ng mga gagawin mo, pero wala mas pipiliin mo pa ding magpanic at magcram. And the cycle continues.

No comments:

Post a Comment

Popular posts

Daily What