Wednesday, March 31, 2010
20 Years and Counting
Sunday, March 28, 2010
Para sa mga taong nasaktan ko
Unpublished Acknowledgement
Thursday, March 25, 2010
Wednesday, March 24, 2010
Love Can Do Wonders.
Love can do wonders to people. It is a common knowledge that we fail to recognize once we are smitten by love. It is sort of a fact that most people ignore once they had their heart broken. It is a common rule for anyone who has experienced love, is experiencing love, and will experience love.
Isang Pag-amin
- Emosyonal akong tao. Madali akong madala ng emosyon. Hindi pa kasi ako disiplinado sa ganitong aspeto ng pagkatao ko. Kaya may tendency ako na maging detached at objective sa lahat ng pagkakataon. REASON OVER EMOTION lagi ang unang isinasaksak ko sa utak ko kapag nararamdaman kong nao-overpower na ako ng emosyon ko.
- Hindi ko pinapansin o kinakausap ang crush ko o ang tanong nagugustuhan ko. Wala din akong eye contact, at hindi ako makatingin kahit sa direksyon niya.
- Ma-effort akong tao. Hindi lang halata. Kapag mahal (platonic o romantic love) ko ang isang tao, gumagawa ako ng (mga maliliit na) paraan para mairamdam kong importante sila. Hindi conventional ang style ko sa ganito. Hindi ako yung tipo ng tao na magsu-surprise o magbibigay ng gifts o ng sulat sa mga "inaasahang pagkakataon" (i.e. birthday, anniversary, valentines day). Kadalasan sa mga normal na araw ko ginagawa ang mga "paglabag" ko sa sarili kong paniniwala. Pag mahal kita, mahal kita. Di ko na yun kailangang sabihin. SHOW, DON'T TELL.
- Long term ako mag-isip. Hindi lang din halata.
- Madalas kong pangunahan ang pagkakataon. Kailangan lagi akong may back-up plan. Kailangan laging may fall back in case ng pagpalya. Laging may damage control. Laging may list of possibilities. Laging may pros and cons.
- Romantic and Idealistic ako. Ayaw ko lang ipakita.
- Minsan gusto ko din yung inaalagaan ako, pero huwag naman sanang pakitang tao lang.
- Mataas ang expectations ko sa mga taong nakapaligid sa akin at sa sarili ko.
- Judgmental ako. Aminado ako dito, kaya ang tendency ko ay maging super objective sa mga bagay-bagay at maglay out ng - and + sides.
- Jerk ako.
Tuesday, March 23, 2010
Pendulum
Saturday, March 20, 2010
How to win my heart in 10 ways?
- 1. Be yourself. I don’t like people who pretend to be nice and clean, but are not. Don’t be “too good to be true”, okay? I don’t want any disappointment.
- 2. Argue with me. I know that I have a twisted way of thinking sometimes, and I would appreciate it if you argue with me (in a nice way). I like intellectual conversation especially when there’s beer.
- 3. Make me laugh. I always like funny people.
- 4. Share a meal with me. No, I don’t like free food (from someone who is not even my friend). I like sharing food, don’t worry I won’t eat all of it (unless it’s rice). Haha.
- 5. Stay with me when I am alone.
- 6. Read with me. It’s not important if we read the same book together, I just want someone who is willing to accompany me to a bookstore.
- 7. Don’t be so predictable. Think out of the box.
- 8. Accept my quirkiness. You can comment on my weirdness, that’s okay with me. But be sure that when you do it, we’re on the same page.
- 9. Curse with me.
- 10. Don’t be too mushy. PLEASE.
Wednesday, March 17, 2010
Sariling bersyon ng "Indolence of the Filipino": Tamad nga ba si Juan?
Tamad nga ba si Juan?
Ito ang isa sa mga katanungan ang uukilkil sa isipan ng sinuman kung susuriing mabuti ang ibig sabihin ng pagiging tamad. Ano nga ba ang ibig sabihin ng katamaran? Ito ba ay simpleng kabaligtaran lamang ng kasipagan? Ano ang kasipagan kung ganoon? Ang kasipagan ba ay nasusukat sa pamamagitan ng dami ng nagawang trabaho? O ito ba ay nabibigyang kahulugan sa pamamagitan ng kalidad at kahalagahan ng nagawang trabaho? O ito ba ay ang pagmamahal at pagpapahalaga dito na ipinapakita sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng maigi at masigasig? Kung ang huling depinisyon ang pagtutuunan ng pansin, maaari bang masabi na ang katamaran ay nangangahulugang walang pagmamahal sa trabaho at hindi pagtatrabaho ng maigi? Masusukat nga ba ang kahulugan ng kasipagan o katamaran sa dami o kawalan ng ginawang trabaho? O mas higit pa dito ang kahulugan katamaran? Sapat na ba ang ganitong klase ng pag-iintindi sa daynamiko ng semantiks ng katamaran?
Sino nga ba ang taong masasabing tamad? Ito ba ang mga taong nagsaka mula madaling araw hanggang ika-sampu ng umaga at nagpahinga na lamang pagkatapos? O ito ba ang mga taong nakaupo sa de-aircon na opisina ng gobyerno habang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng malamig na mineral na tubig? Ang katamaran ba ang siyang pangunahing dahilan kung bakit hindi umuunlad ang Pilipinas?
Marami ang nagsasabi na tamad ang mga Pilipino, na ang mga Pilipino ay hindi marunong magmahal sa kanilang trabaho, lagi na lamang nagpapahinga at nakatunganga, at mahilig magsayang ng oras sa paggawa ng wala. Sinasabing tamad ang Pilipino dahil madalas sa hindi na nakikita sila sa nakatambay sa labas ng kanilang bahay, o kung hindi naman ay nakikipagtsismisan sa kanilang kapitbahay ng umagang-umaga. Ang ganitong senaryo ay karaniwang nakikita sa mga mahihirap na lugar sa kabihasnan at mangilan-ngilang lugar sa probinsya. Sinasabing tamad ang Pilipino dahil konting trabaho lang ay magpapahinga na agad sila. At madalas sa hindi, ang katamaran na ito ay sinasabing dahilan ng kahirapan ng bawat Pilipino. Ito ay madalas na ginagawang sangkalan upang bigyang rason kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa. Ito ay kadalasang ginagamit upang paliwanagan ang mga kapalpakang nangyayari sa Pilipinas (halimbawa ang madalas sabihin ng mga tao: Kaya naghihirap ang mga Pilipino dahil ang tatamad eh).
Ngunit kung titingnan ng mabuti, hindi masasabing tamad ang mga Pilipino sa tunay na kahulugan ng pagiging tamad. Ito ay sa kadahilanang ang mga Pilipino ay masisigasig sa kanilang trabaho, isang bagay na makikita sa kultura ng mga katutubo natin. Ang ganitong katangian ng mga Pinoy ay kilala maging sa ibang bansa dahil sa mga OFWs. Isa pang dahilan ay tinitingnan kasing katamaran ang pagpapahinga. Ang mga magsasakang nagpapahinga tuwing ika-sampo ng umaga hanggang sa makalipas ang init ng araw ay sinasabing tamad, ngunit ang hindi nakikita dito ay ang katunayan na ang mga magsasakang ito ay nagsimulang magsaka ng madaling araw pa lamang. Ang balik-bayang OFW ay hindi masasabing tamad kung siya man ay magbuhay-donya panandalian. Katamaran na bang matatawag ang pagpapahinga matapos ang isang mabigat na trabaho? Gaya nga ng sabi ni Rizal, hindi naman ang pagtatrabaho at pagkita lamang ang silbi ng isang tao., kundi ang paghahanap ng kanyang kasiyahan.
Hindi ang katamaran ang siyang nagbubunga ng kahirapan ng bansa, bagkus ito ay ang kabilagtaran. Ang sinasabing katamaran ng Pilipino ay dulot ng mga salik ng lipunan tulad ng kasaysayan at kultura, nanatiling ideolohiya sa lugar, ekonomikong kalagayan, at pulitikal na aspeto. Ito ay bunga lamang ng isang mahabang panahon ng kolonisasyon ng mga Espanyol, ng kahirapan ng bansa, at ng isang hindi magandang sistema ng pamamahala ng gobyerno sa kasalukuyan.
Alam naman nating lahat na ang katangiang “mamaya na” ay hindi sariling atin, dahil ito ay tumataliwas sa kultura at paniniwala ng sinaunang katutubo ng bansa. Ang ganitong katangian kasama pa ng siesta at pagpunta ng huli sa mga kasiyahan ay ilan lamang sa mga kaugalian ng kastila na siyang nakuha ng ibang Pilipino sa atin bilang manipestasyon ng tinatawag na passive racism. Ang mga ito ay nakaapekto sa kaugalian ng Pilipino ukol sa trabaho at iba pang aspeto ng buhay.
Walang tambay sa kanto kung sila ay mga nabigyan ng oportunidad na magtrabaho at makapag-aral. Hindi sila magiging “tamad” kung ang sila ay nagkaroon ng liberasyon sa pamamagitan ng edukasyon at gabay ng pamahalaan. Kung sila ay nabigyan ng oportunidad na magkaroon ng trabaho, hindi sila magiging tambay. Subalit ang isang pang tanong dito na hindi mabigyan ng tamang kasagutan ay: Sino ang gaganahang magsumikap sa ilalim ng isang dispahiladong sistema kung saan ang kurapsyon at pagnanakaw ay talamak (katulad na lamang din noong panahon ng kastila)? Hindi ko naisin na maging aktibista, isa lamang ito sa mga katanungan na pumasok sa aking isipan.
Maaaring may tama at mali sa bawat sistema, may maganda at pangit sa mga ideolohiyang mayroon ang isang sistema, subalit kung patuloy na hindi itatama ang mali at hindi gagamutin ang pangit, magpapatuloy ang sinasabing “katamaran” ng Pilipino. Bagaman madaming salik ang sanhi ng katamaran, at bagaman tila hindi kasalanan ng Pilipino kung bakit siya naging tamad, marapat lamang na malaman ng bawat isa na tayo ay mga taong pinagkalooban ng kakayahang mag-isip ng kritikal. Ang kakayahan na mag-isip ay gamitin sana upang malunasan ang sakit na tinatawag na katamaran.
Teenage Love Affair
Two Years Ago
She knows nothing about cooking, she just loves to eat.
He is into sports--basketball for that matter,
she is into hibernation.
He likes to study--he knows how to manage his time wisely.
She has no concept of ACADS.
He is disciplined. he knows how to focus and what to prioritize.
She finds it hard to focus and PRIORITY was out of her vocabulary.
He is God-fearing--an active member of church.
She has a vague concept of religion and faith.
He is determined and hard working.
She is happy-go-lucky---she takes things as they are.
He does not want commitments, not now.
She is in between wanting and not wanting commitment.
Together they are happy. ALMOST.
Wednesday, March 10, 2010
Sabaw
Popular posts
-
Tamad nga ba si Juan? Ito ang isa sa mga katanungan ang uukilkil sa isipan ng sinuman kung susuriing mabuti ang ibig sabihin ng pagiging tam...
-
I hate to brag, but I just had a productive Saturday. I woke earlier than my usual Saturday waking up time. I just ate lunch, and picked up ...
-
I was inside a matchbox. I was rather big for the box, but for some weird reasons, I was inside it. I supposed that was my world. It was bri...
-
I got a job. A real one. (Yeah, I know I sounded unhappy in my last post but that's just me being bitchy about the tax). So here is the ...
-
New life. New people. New friends to make. So I have started working at the firm. There are a lot of new things to learn and new friends to ...
-
The ordeal was done! More to come, I guess (?). I had the exam. Only this: It is indeed a learning experience. I was right with my predictio...
-
"Breathe in. Breathe out. Relax. Everything will be okay. You can do it." Mantra for the rest of January and February 2010. Kinaka...
-
I have always thought of making an article about Manila--its diverse culture, the people from different walks of life, the pollution, everyt...
-
When it rains, it pours. Humble. An adjective that I believe is not suitable for me. I am not humble. I guess it has something to do with th...
-
Fifteen years can do wonders. I looked at some old pictures my mom stored for memorabilia. I saw a younger version of me. A fairer and chubb...